Pagtatapon ng toxic waste sa Subic kalkalin

chiz1

HINIKAYAT ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang administrasyong Aquino na kaagad imbestigahan ang napaulat na pagtatapon ng nakalalasong kemikal ng isang kontraktor ng US Navy sa karagatan ng Subic Bay noong nakaraang buwan.

“The government should investigate this alarming report immediately. Such activity, if indeed it took place, could prove to be an environmental disaster,” ayon kay Escudero.

Si Escudero and chairman ng Senate Committee on Environment and Natural Resources.

Kasalukuyan nang inaalam ng Subic Bay Metropolitan Authority ang pananagutan ng Glenn Defense Marine Asia matapos mapag-alaman na ang isang barko nito, ang M/T Glenn Guardian ang nagtapon ng nakalalasong keminal na nakolekta sa ilang US ships na lumahok sa katatapos na joint military exercises sa Pilipinas.

Napatunayan pa ng mga pagsusuri sa tubig-dagat ng Subic Water and Sewerage Company na nagpapakita ng mataas na antas ng toxicity sa karagatan ng Subic.

Kinontrata ng SBMA ang SWSC upang magsagawa ng pagsusuri matapos mapaulat ang pagtatapon.

Hinikayat din ni Escudero ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makipag-ugnayan sa US upang hindi na maulit ang pangyayari.

Nauna nang sinabi ng Glenn Defense Marine Asia sa pamamagitan ng abogado nito na walang kapangyarihan ang SBMA na magsagawa ng imbestigasyon matapos iginiit ang Visiting Forces Agreement ng US at Pilipinas.

“Our laws are clear on environmental protection, particularly Republic Act 9275 or The Philippine Clean Water Act of 2004 if indeed hazardous wastes were dumped on Subic Bay,” ayon sa senador.

“The main point that we need to determine at this point is whether hazardous wastes were dumped on Philippine waters and if so, how do we proceed to clean up, hold the contractor accountable, and make sure that such an incident does not take place again in the future,” dagdag ng mambabatas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply