Pagtatayo ng bagong mga sementeryo gawin – CBCP

NANINIWALA ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang pagtatayo ng mga bagong sementeryo ang paraan upang masolusyunan ang matagal nang problema sa  overcrowding sa mga kampusanto sa bansa kapag panahon ng Undas.

Ayon kay CBCP Media Office director Monsignor Pedro Quitorio III, malaking problema para sa mga Pinoy ang pagbisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay tuwing Undas.

Ipinaliwanag ni Quitorio na dahil sa napakaraming tao sa mga pampublikong sementeryo ay nagreresulta na ito sa pagkaligaw ng mga ito habang naghahanap ng mga puntod.

Mayroon din naman aniyang nahihimatay pa dahil sa hindi makayanang init at siksikan.

Sinabi pa ni Quitorio na ang naturang problema ay hindi lamang problema ng simbahan kundi ng lipunan na dapat na kaagad tugunan.

Aniya, dapat nang magpatayo ang pamahalaan ng mga bagong sementeryo upang ma-accommodate ang lumalaking bilang ng ‘dead population.’

Inihalimbawa pa ni Quitorio ang dating problema sa overcrowding sa kanyang lalawigan sa Eastern Samar na nasolusyunan nang magkaroon sila ng bagong sementeryo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply