Palasyo dedma sa ‘Catholic vote’ call

HINDI pinansin ng Palasyo ang panawagan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Katoliko na gamitin ang tinatawag na “Catholic votes” sa darating na 2013 midterm elections.

Una rito, sinabi ni CBCP-Episcopal Commission on Family and Life Vice Chairman at Lipa Archbishop Ramon Arguelles na panahon na upang gamitin ng mga Filipino ang kanilang pananampalataya sa pagtimbang ng mga kandidatong hindi sumusunod sa itinututo ng Simbahan.

Tinukoy ng opisyal ang mga politiko na sumusuporta sa kontrobersiyal na Reproductive Health Bill.

Binanggit nito na ang tinatawag na “ethnic cleansing” na ipino-promote ng ilang opisyal ay maaaring kontrahin ng “Catholic vote.”

Pero ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi nagkokomento ang estado sa posisyon ng Simbahan.

Gayunman, ipinaliwanag din nito na bukas aniya ang gobyerno na makipagdayalogo sa Simbahan, lalo na sa mga sensetibong usapin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply