Palawan at Mindanao, apektado ng ITCZ

APEKTADO pa rin ng intertropical convergence zone (ITCZ) ang Palawan at Mindanao samantalang apektado naman ng Northeast ang Northern at Central Luzon.

Ang Palawan, Silangang Kabisayaan at Mindanao ay magiging maulap na may paminsan-minsang mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Ang Cagayan Valley, Kabikulan at ang mga probinsya ng Aurora at Quezon ay magkakaroon ng mahinang pag-ulan.

Isang namumuong sama ng panahon ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) malapit sa karagatan ng Mindanao.

Ang Kamaynilaan at ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap na may pulu-pulong dagliang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi.

Tinatayang maglalaro ang temperatura sa pagitan ng 24 – 32 °c.

Ang kabisayaan at Mindanao ay nakararanas ng maulap na kalangitan na may paminsan-minsang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan, pagkidlat pagkulog,” dagdag niya.

Pangkalahatan namang magiging maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply