Paliparan hihigpitan vs drug couriers ng PDEA-BOC

NAGKASUNDO ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kolaborasyon para sa sistematiko at organisadong panghuhuli sa mga drug courier sa mga paliparan sa bansa.

Ito ang napagkasunduan kamakailan nina PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. at BOC Commissioner Rozzano Rufino B. Biazon noong November 8, 2012.

“The successful arrests of drug couriers who attempted to transport illegal drugs into the Philippines through the country’s premier airport speak volumes about the robust climate of cooperation already existing between PDEA and BOC,” ayon kay Cacdac.

Nagkasundo ang dalawang ahensiya na makabuo ng roadmap upang mapalakas ang kanilang  bilateral na koordinasyon at kooperasyon sa pamamagitan  ng bigayan ng impormasyon upang mas matutukan nila ang mga papasok at papalabas na mga pasahero at kargamento upang mapigilan ang ano mang pagtatangka sa pagpupuslit ng iligal na droga gamit ang mga paliparan sa bansa.

Nagkasundo rin ang dalawang ahensiya sa agarang disposisyon ng mga kaso sa droga laban sa mga nahuhuling drug couriers para matiyak na sila’ y masesentensiyahan.

Ang PDEA at BOC ay ilan sa mga ahensiya ng gobyerno na miyembro ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) na nangangalaga ng NAIA na ginagamit ng sindikato sa pagpasok at pagpupuslit ng iligal na droga.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply