Palusot ni Ambassador at RD ng R-8 galit sa ‘lagay’

burdado-jun-briones2

JESUS CHRIST!

Paunang salita po ‘yan ni Philippine Ambassador to Kuwait Shulan Primavera kaugnay sa reklamong “sexual abuse” ng isa niyang katulong.

Bilang pasimula, ano po kaya, ginoong Ambassador, ang layunin ng isang “maid” para ibulgar ang nasabing pangmomolestiya kung ito ay walang katotohanan?

Ang isang hamak at inosenteng katulong, magkakaroon kaya ng lakas ng loob na magpagamit sa kung sinoman para siraan lamang ang isang embahador?

Kung ang babasehan ay ang dignidad mo laban sa salita ng isang ordinaryong katulong, dapat ay mas paniwalaan ka. Ang problema po, Mr. Ambassador, paano mo ipaliliwanag ‘yang dignidad mo gayung ang biktima ay pinag-trabaho mo sa iyo nang walang kaukulang dokumento?

Bilang embahador ay alam mong labag ito sa batas.

Nasaan ang dignidad mo?

Tandaan mo po ito, Amb. Primavera, ang inirerepresenta mo r’yan sa Kuwait ay hindi lamang ang Aquino government kundi maging ang kultura, asal at dignidad ng mga Filipino.

Kaya dapat mong patunayan na hindi ka isang manyakis!

Jesus Christ!

-o0o-

GALIT na galit sa atin si PNP Region 8 Regional Director C/Supt. Elmer Soria dahil pinararatangan daw natin siya na tumatanggap sa gambling lords.

Mali ka, Gen. Soria, hindi po ako ang nagpaparatang sa iyo kundi ang taumbayan mismo dahil na rin sa ipinagmamalaki umano ng mga tauhan ng nasabing gambling lords na matatag ang kanilang operasyon dahil sentralisado ang timbre r’yan sa Regional Office.

Sa kwentada nga ay milyones ang “weekly collection” para umano sa “central!”

Hindi ko rin sinabi na ikaw mismo ang tumatanggap diyan sa Regional office, kundi nagtatanong lang ako kung sino kaya riyan ang tumatanggap!

At sigurado ako na may tumatanggap r’yan dahil pinatutunayan ito ng talamak na iligal na sugal sa buong region 8.

Kaya kung wala kang tinatanggap, alamin mo kung sino dahil nabubukulan ka na!

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply