Pambansang kilos protesta ng mga kawani, kasado na

kilos

HANDANG-HANDA na ang mga kawani ng pamahalaan para sa isasagawang Pambansang Kilos Protesta bukas, Nobyembre 22.

Ayon sa grupong COURAGE, pambansang organisasyon ng mga kawani ng pamahalaan,  inaasahang lalahok ang libu-libong mga kawani mula sa National Housing Authority, Department of Social Welfare and  Development, Philippine Coconut Authority, Department of Agrarian Reform, Department of Agriculture, Philippine Coconut Authority, MWSS, Metro Manila Development Authority, National Printing Office, Bureau of Customs, Bureau of Immigration, Department of Trade and Industry, Sandiganbayan, Senate of the Philippines at mga kawani sa Hudikatura.

Ayon kay Ferdinand Gaite, magmamartsa mula sa tanggapan ng Department of Budget and Management ang mga kawani at magtutungo sa Mendiola.

Aniya, ang mga kawani naman sa ibang panig ng bansa – mula Bacolod City, Davao City, Iloilo City, Cebu City, Tacloban City at Baguio City ay lalabas sa kani-kaniyang mga tanggapan.

Ang pambansang pagkilos ay bilang protesta ng mga kawani sa administrasyong Aquino, sa ginagawa nitong pagsuspinde at pagtanggal sa mga benepisyong gaya ng subsistence allowance, food basket, rice allowance, pagkakait ng dalawang umento mula sa Salary Standardization Law 3 para sa mga kawani ng Government Owned and Controlled Corporations o GOCCs, panggigipit sa karapatan sa CNA, disallowances mula sa COA at posibleng refund,  at pagkakait ng mga benepisyong mula sa itinakda ng mga batas gaya ng Magna Carta para sa Science and Technology personnel, health workers at iba pang propesyon.

“Sobra na ang pagpapahirap sa mga kawani ng pamahalaan. Tama na ang pambubusabos sa amin ng administrasyong ito. Pinakamasahol ang kalagayan ng mga kawani sa ilalim ni Aquino” ayon sa Courage.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply