Pambansang Parol, sinindihan ni PNoy

SININDIHAN na ni Pangulong Benigno Aquino III ang tinaguriang Pambansang Parol sa Kalayaan Hall, Malakanyang.

Nag-count down muna mula sa bilang na 10-1 ay opisyal na sinindihan ng Punong Ehekutibo ang Christmas Tree na may taas na 6.6 metro.

Sa naging mensahe nng Chief Executive ay sinabi nito na pinaaalalahanan niya ang publiko na ang pagdiriwang ng Pasko ay pagdiriwang ng pagsilang ni Hesukristo at hindi ng luho.

Sinabi pa rin niya na ito na ang panahon na dapat pairalin ang pasasalamat sa mabuting biyaya.

Magsilbi aniyang tanglaw ang Christmas Tree sa pagbangon ng bansa tungo sa tamang landas.

Bukod dito, ipinaalala rin ng Punong Ehekutibo ang pagiging mapagkumbaba ng lahat at patuloy na pananampalataya.

Batid ng Pangulong Aquino ang hirap na pinagdaanan ng mga kawani ng Office of the President (OP) subalit sa kabila nito aniya ay masisipag pa rin ang mga ito.

Ang Christmas Tree aniya ang magtataguyod ng pagbabago at magbubunsod ng pag-asa sa mas nakakarami.

Hindi aniya siya magsasawang pasalamat ang kanyang gabinete na walang sawang tumutulong sa kanya na maitaguyod ng maayos ang bansa.

Bukas naman aniya ang Tanggapan ng Pangulo para sa mga taong nangangailangan ng tulong ng pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply