Pamilya Barrameda nagpasaklolo sa DOJ

ISANG araw makaraang maaresto ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay Ruby Rose Barrameda, dumulog ngayon sa Department of Justice ang aktres na si Rochelle Barrameda, kapatid ng napaslang.

Ayon kay Rochelle na nagtungo sa DOJ kasama ang kanyang mga magulang, personal silang nagpasaklolo kay Justice Secretary Leila de Lima para sa pag-usad ng kaso ng kanyang kapatid.

Dahil sa writ of preliminary injunction na ipinalabas ng Court of Appeals, napigil ang pag-usad ng kaso sa Malabon Regional Trial Court.

Umaasa si Rochelle na makakagawa ng aksyon ang kalihim para hindi masayang ang pagkakaaresto sa suspek na si Robert Ponce.

Matatandaang Pebrero ng taong ito nang suspindehin ng CA ang pagdinig sa kaso ni Ruby Rose makaraan nitong paboran ang petisyong inihain ng isa sa mga akusado na si Manuel Jimenez, Jr., biyenan ng biktima, na humihiling na mag-inhibit sa kaso si Malabon City Judge Zaldy Docena.

Tiniyak naman ni De Lima na pag-aaralan niya ang kaso ni Ruby Rose, at maging ang posibilidad na mapasailalim si Robert Ponce sa witness protection program para makatulong sa paglutas ng kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply