Pamilya ng Pinoy driver sa Riyadh blast, nagpasaklolo sa pamahalaan

NANAWAGAN na sa pamahalaan ang pamilya ng Pinoy driver ng sumabog na oil tanker sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon sa pamilya ni Ruben Kebeng, hindi kagustuhan ng kanilang padre de pamilya ang nangyari at lalong hindi naman planong takbuhan nito ang nasabing aksidente.

Nangangamba rin sila sa anumang epekto sa kanila ng pagkakapiit sa kanilang ama.

Una rito, nakipag-ugnayan na ang pamahalaang panlalawigan ng Benguet kay Vice President Jejomar Binay at sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa anumang tulong na maibibigay kay Kebeng

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Pangulong Benigno Aquino III ang tulong ng gobyerno para sa Pinoy driver umano ng fuel tanker na sumabog sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sinabi ng Pangulo na kumikilos na si Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario para sa maaaring magawa ng pamahalaan kay Kebeng.

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa rin ng Saudi police ang driver.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply