Panahon maaliwalas ngayon – Pagasa

MAKARARANAS ng maaliwalas na panahon ang malaking bahagi ng Pilipinas ngayong maghapon.

Pero posibleng makaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Mindanao bunsod ng intertropical convergence zone, maliban na lamang sa Silangang ng Mindanao.

Partikular na inaasahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan ang bahagi ng Caraga region, Davao at Northern Mindanao.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may bahagyang kaulapan din ang namataan sa
Northern Luzon partikular sa Batanes, Cagayan at Apayao sa harap ito ng umiiral na cold front.

Magiging bahagyang maulap naman ang panahon na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.

Ang nalalabing bahagi ng Pilipinas ay maaliwalas ang panahon at maliit ang posibilidad na magkaroon ng mga pag-ulan.

Sa ngayon walang sama ng panahon na nagbabanta sa Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply