Pananahimik sa isyu ng korapsyon, panghuhudas sa taumbayan

bishop-arigo

NANINDIGAN si Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo na ang pananahimik sa mga isyu ng korapsiyon ay isang uri nang panghuhudas sa mga mamamayan.

Hinimok rin ni Arigo ang publiko na magkaisa upang labanan ang mga iregularidad sa sistema ng lipunan at gobyerno at puksain ang pinag-uugatan nito.

“To remain silent or indifferent to the issue of corruption because one wants a quiet life, or has a personal interest or debt of gratitude, is to be an accomplice to theft and exploitation and is like being Judas to the people,” ayon kay Arigo, sa isang pastoral letter na inisyu nito at may titulong ‘The Lord and Corruption.’

Ipinaalala pa ni Arigo na ang paglaban sa korapsyon, na isa aniya sa pinakamalaking dahilan ng matinding kahirapan sa bansa, ay tungkulin ng bawat isa sa Panginoong Diyos.

“There are so many poor, because there are so many corrupt, thieves of the people’s money,” aniya.

Nauna nang ipinanawagan ni Arigo ang imbestigasyon sa umano’y iligal na paggamit ng P2.3 bilyong kita mula sa Malampaya Gas Project sa Palawan.

Ayon sa Obispo, ilang mga makapangyarihang pulitiko ang nasa likod ng anomalya at dapat na panagutin ang mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply