Panel na mag-iimbestiga sa ex-PAGCOR official, itinatag ng DOJ

DOJ

ISANG fact finding panel ang itinalaga ngayon ng Department of Justice o DOJ na mag-iimbestiga sa napa-ulat na panibagong anomalya na kinasasangkutan ng mga dating opisyal ng Philippine Gaming Corporation o PAGCOR.

Una nang lumabas sa mga ulat na tumanggap si Rodolfo Soriano, dating consultant ng PAGCOR at kilalang malapit kay dating PAGCOR Chairman Efraim Genuino,ng $5-Milyon mula sa Hong Kong affiliate ng kumpanyang kontrolado ng investor ng PAGCOR sa proyektong Entertainment City noong May 2010.

Sa dalawang pahinang department order ni Justice Secretary Leila de Lima, mga miyembro ng lupon sina Atty. Marlon Tauli ng NBI Anti Graft Division; Atty. Catherine Camposano, Executive Officer ng Internal Audit Unit ng NBI; at Senior Assistant State Prosecutor Rosalina Aquino mula sa National Prosecution Service.

Nais ng kalihim na tutukan ng panel mga sinasabing serye ng mga kuwestiyonableng ibinayad ng Aruza USA sa mga dating opisyal, empleyado at consultant ng PAGCOR.

Tatlumpung araw ang ibinigay ni De Lima sa nasabing lupon para magsumite ng kanilang findings at rekomendasyon kasama na ang mungkahi tungkol sa nararapat na kasong kriminal o administratibo na maaring isampa laban sa mga posibleng may kinalaman sa nasabing transaksyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply