Pangulo ng samahan ng mga vendor, 1 pa nilikida

crime3

PINAGBABARIL hanggang sa mamatay ang pangulo ng vendors association at kasama nito sa Quezon City, kagabi, Nobyembre 25.

Kinilala ni Supt. Ronnie Montejo, hepe ng Quezon City Police District Batasan Station 6 ang biktima na si Ombra Talip, 62, pangulo ng BATODA Vendors Association at miyembro nito na si Jamaloding Camilao, 20 kapwa naninirahan sa Alley 6, Brgy. Batasan Hills, QC.

Idineklarang dead on arrival sa Fairview General Hospital, ang dalawang biktima dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Ayon kay SPO1 Alden Lasam, radio operator, dakong alas-8:00 ng gabi nag-uusap sa naturang lugar sina Talip at Camilao nang basta na lamang sumulpot ang suspek na hinihinalang hired killer at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.

Nang makitang tumimbuwang ang dalawa, naglakad lamang na parang walang nangyari ang suspek patungo sa madilim na lugar sa dulo ng Alley 6, Batasan Hills, QC.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply