Paniningil sa konsyumer sa P100-B utang ng elec coop, hiniling na ipawalang bisa sa SC

HINILING ng National Alliance for Consumer Empowerment of Electric Cooperative o NACEELCO, sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang resolusyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na nag-aatas na singilin sa mga konsyumer ang P100-B utang ng mga electric cooperatives na nakolekta na sa nakalipas na 40 taon.

Sa inihaing reply ng NACEELCO sa comments and opposition ng ERC at iba pang respondents sa Supreme Court noong November 22, 2012, iginiit na nilabag ng ERC ang Sec. 37 ng Presidential Decree 269 nang payagan ang mga electric cooperative na ipasa sa consumers ang bilyon-bilyong utang.

Nag-ugat ang kaso sa ipinalabas na mga alintuntunin at resolusyon ng ERC ukol sa Rules for Setting Electric Cooperatives’ Wheeling Rates (RSEC-WR) at Members’ Contribution for Capital Expenditures (MCC).

Tinuligsa ng NACEELCO ang RSEC-WR, partikular ang Article 4, na nagtatadhana  ng specific rules sa MCC, sa pamamagitan ng paghiling sa SC na ideklarang unconstitutional ang MCC-Reinvestment Fund for Sustainable Capital Expenditures (RFSC).

Ayon sa NACEELCO, nakasaad sa Sec. 37 ng PD 269 na hindi dapat ang member-consumers ang babalikat sa anumang suliraning pinansyal ng kooperatiba.

Kabilang sa mga respondents sa petisyon ang ERC at 60 electric cooperatives.

Sinabi ng grupo na ang pagpapatupad ng MCC o RFSC bilang isang uri ng investment solicitation para lamang mapalawak at mapondohan ang mga gastusin ng electric cooperatives ay labag sa due process at equal protection clauses sa ilalim ng 1987 Constitution.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply