Paper-less judiciary, isinulong ng SC

supreme-court-of-the-philippines

ISINULONG ng Korte Suprema ang paper-less judiciary na naglalayong makatipid sa papel at makatulong na rin sa pagproprotekta sa kalikasan.

Nag-isyu ang Supreme Court En Banc ng Efficient Use of Paper Rule, na nangangahulugan na ima-maximize ang paggamit sa bawat pahinang papel sa  mga ilalabas na desisyon o resolusyon at maging sa mga pleadings na ihahain ng mga partido.

Sa binalangkas na Rule, ipinaliwag dito na kailangang iwasan ng SC ang sobrang paggamit ng mga papel, iligtas ang mga kagubatan, makaiwas sa pagguho ng lupa at mapabagal  ang masamang epekto ng climate change na nararansan ng mundo.

Matapos na mailathala sa dalawang pahayagan na may general circulation, ang  Rule ay ipatutupad sa lahat ng korte at quasi-judicial bodies na nasa ilalim ng pangangaiswa ng Korte Suprema sa susunod na taon o January 2013.

Nakasaad din sa Rule, na kailangang gumamit ng single space with a one-and-a-half space sa pagitan ng mga paragraph, gamit ang font style na madaling basahin, 14 ang font size,  at sa 13-inch by 8.5-inch white bond paper.

“All decisions, resolutions, and orders issued by courts and quasi-judicial bodies under the administrative supervision of the High Tribunal, as well as reports submitted to the courts and transcripts of stenographic notes, shall comply with the said requirements”, alinsunod sa Rule.

Dapat ding may 1.5 inches margin mula sa gilid ang kaliwang bahagi ng papel at 1.2 inch mula sa itaas; isang inch lang sa kanang margin mula sa gilid; isang inch din ang lower margin mula sa gilid at bawat pahina ay may nakasaad na bilang.

Kung maghahain naman ng pleading sa SC,  inatasan ang mga partido na magsumite ng one original (properly marked) at apat na kopya  maliban na lamang kung idudulog sa SC en banc kunsaan ay inaatasan ang mga partido na magbigay ng karagdagang 10 kopya, at dalawang sets na lamang ng annexes.

Para sa tatlong dibisyon ng SC, dalawang sets din ng annexes ang dapat ihanda ng mga partido.

Bilang paghahanda na rin sa e-filing paperless system sa Judiciary, ang mga may usapin  ay inatasan din na ipadala sa email  ng SC o ilagay sa compact disc ang pleadings.

Sa Court of Appeals at  Sandiganbayan, isang  original (properly marked) at dalawang kopya  na may annexes; sa  Court of Tax Appeals, isang original (properly marked) at dalawang kopya na kasama na ang annexes, habang ang apela sa En Banc, isang original (properly marked) at walong kopya na may annexes.

Isang original na kopya naman na may kasamang annexes ang kailangang isumite ng mga partido sa kaso para sa mga husgado o mababang korte.

“Also a party required by the rules to serve a copy of his or her court-bound paper on the adverse party need not enclose copies of those annexes that, based on the records of the court, show said party already has such. In the event a party requests a set of the annexes actually filed with the court, the party who filed the paper shall comply with the request within five days from receipt of such”, sabi pa sa Administrative Matter  No. 11-9-4-SC o ang  Efficient Use of Paper Rule, na binalangkas noong November 13, 2012 ngunit noon lamang November 29, 2012 inilabas ng SC sa media.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply