Papuri ni Atty. Topacio sa husay ng acting ni Bea Binene, iniintriga!

KUNG kay Bea Binene lang din naman, aba! di hamak na performer itong si Atty. Ferdinand Topacio.

Yes, two weeks ago ay naimbitahan kami ni Atty. Ferdie sa munting salo-salo sa MERK’s Bar sa Makati na pag-aari ng jazz singer-actor na si Richard Merk.

Andami palang fans ni attorney sa nasabing bar at hanep siyang bumanat at kumanta ng jazz sa entablado, kabog niya pa ang ibang professional artists riyan. By the way, inintriga ng reporter ng isang leading afternoon tabloid ang nasabing controversial na abogado nang purihin nito kamakailan ang acting ni Bea Binene sa hindi nagre-rate na morning teleserye ng negatibang Kapuso young actress na Cielo de Chuvanes.

Parang hindi raw nila maintindihan itong si Atty. Ferdie na matapos idemanda si Bea at ina ng youngstar na si Mrs Carina ng P5.7 million civil-case sa Tanuan Regional Trial Court sa bayan ng Tanuan sa Batangas, all praises naman ang bigating abogado sa lalim ng pag-arte ni Bea na ikinumpara pa raw sa sikat na young pretty and sexy actress na mababaw raw umarte. (If there’s one thing with Atty. Topacio, he’s a very honest man. Inspite of Bea Binene’s shortcomings, it’s an unassailable fact that she’s a most consummate actress! – Ed)

Naku, naman tantanan ninyo na si Atty Ferdie dahil hindi siya katulad ninyong mga plastik! Eh, ano naman ngayon kung sinasabi lang niya ang totoong saloobin niya? Saka hindi naman stranger ang sikat na lawyer sa buhay ng mga Binene kaya karapatan niyang sabihin ang gusto niyang isapubliko.

Saka labas na rito ‘yung nai-file niyang kaso, no? Kailangan naman niyang gawin ‘yun dahil sa sinisira na ni Mrs. carina ang matagal na panahon niyangg iningatang pangalan. From all of us here at Remate, ang hot na hot na Tabloid ng bansa, happy-happy birthday to you our beloved Atty. Ferdie.

Many happy returns of the day, gyud!

***

Semifinals na ng D’ Kilabots

SOSYAL at hindi rin nagpakabog ang D’ Kilabots sa Mr. Pogi dahil nagkaroon rin ito ng nationwide auditions kung saan bawat pagdausang lugar nito ng EB Team ay talagang dinudumog ng mga kalalakihang edad ay 18 to 25 yrs old na may nakakikilabot na bilib sa sarili at humahataw ang mga talent. Kaya naman ilan sa kanila ay ka- sama na ngayon sa mga naglalaban-laban sa Semifinals kung saan ang mapipiling daily winner ay wagi ng 20K at ang dalawang tinalo naman nito ay makatatanggap ng 5K each.

Siyempre, mas hanep at bonggacious ang puwedeng mapanalunan sa Grand Finals na may chance pang ma-penetrate ang showbiz sa pamamagitan ng araw-araw na exposure na ibibigay sa kanila ng No. 1 and longest-running noon- time variety show ng buong bansa na Eat Bulaga!

Noong last Saturday pala, kung sobrang nag-enjoy kayo sa showdown ng Barangay Bombs at ng EB Babes na talagang pinasaya ang buong bansa, this time ay pangigilingan ninyo naman ang mga cute na tulad ni Ryzza Mae Dizon na mga hahataw sa dance floor this Saturday, Nov 10 sa Broadway Studio ng Bulaga. Dabarkads mag-cha-cha na kitang tanan (tayong lahat) gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply