Parak inireklamo sa panggagahasa, inaresto

TIKLO ang isang parak makaraang ireklamo sa panggagahasa sa isla ng Calayan, Cagayan.

Dinakip ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na si PO2 Danilo Makiraya, may asawa ng Regional Headquarters Support Group ng PNP Region II at nakabase sa Brgy. Centro 2, Calayan Island.

Itinanggi naman ng suspek ang reklamo at sinabing nobya umano niya ang nag-aakusa na hindi binanggit ang pangalan at ikinagulat niya nang makatanggap siya ng asunto.

Dagdag pa ng akusado, humingi pa umano ng malaking halaga ang sinasabing biktima ngunit hindi niya nabigyan dahil may sinusustentuhan siyang pamilya.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng pulis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply