Parak, kasabwat arestado sa pangongotong sa Koreano

TIMBOG ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at kasama nito sa isinagawang entrapment operation ng Manila Police District (MPD) matapos ireklamo ng isang Koreano ng pangongotong.

Nakilala ang naarestong pulis na si PO1 Freddielin Esquerra, 30 anyos, nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion ng NCRPO.

Arestado rin ang kasama nitong si Dennis Bautista dahil sa reklamo ng bitkimang si Kae Hwan Ko.

Base sa reklamo ng Koreano, iniwan niya ang kanyng kotse sa Mabini St., noong Nobyembre 4 ngunit pagbalik nito sa kanyang pinagparadahan ay napansin niyang naka-unlock ang pinto ng kanyang sasakyan.

Nawawala na rin aniya ang kanyang mga gamit tulad ng laptop, iPod, passport, 77,000 won at ilang libong piso.

Nagulat na lamang umano ang banyaga nang tawagan siya ng suspek at sinasabing nasa kanyang pag-iingat ang kanyang mga gamit at magkita sila sa Max’s Restaurant sa Rajah Solaiman upang doon ayusin ang kanilang transaksyon.

Humingi aniya ang pulis ng P20,000 kapalit ng mga nawawalang gamit at nag-bargain hanggang bumaba sa P7,000.

Dahil dito, humingi agad ng tulong ang banyaga sa awtoridad at plinano ang entrapment kung saan naaresto ang mga suspek.

Posibleng maharap ang suspek sa kasong extortion.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply