Parak kinotongan ng traffic enforcer, tiklo

crime7

ARESTADO sa entrapment operation ang isang traffic enforcer nang tangkaing kotongan ang isang pulis na nagpanggap na motorista kagabi sa Pasay City.

Inaresto ng mga tauhan ng Special Operations Unit (SOU) ng Pasay police ang suspect na si Rodolfo Magadia, 48, miyembro ng Pasay City Traffic and Parking Management Office, ng 185 Libertad St., sa aktong tinatanggap ang P500 na hiningi sa pulis na nagpanggap na motorista alas-9 ng gabi sa Andrew Avenue.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin ng Investigation Section ng Pasay police, inatasan ni SOU chief Sr. Insp. Lerpon Platon si SPO1 Javier Bibal na pangunahan ang entrapment operation matapos makatanggap ng katerbang reklamo hinggil sa  ginagawang pangongotong ng ilang traffic enforcers sa mga motoristang dumaraan sa Airport Road, Andrew Avenue at Tramo St.,

Nabatid na nagpanggap ng motorista si SPO1 Bibal at tiyempo namang pinahinto at sinita siya ni Magadia nang magsagawa ng U-turn sa Tramo. Inakusahan ni Magadia ang pulis ng swerving na isang paglabag sa batas trapiko at hiningi ang kanyang lisensiya.

Matapos ipaliwanag ni Magadia kay Bibal ang kanyang nagawang traffic violation, hiningan umano ng traffic enforcer ng P500 ang pulis kapalit ng kanyang lisensiya.

Nasa aktong inaabot naman ni Bibal ang salapi nang pindutin niya ang cellphone na hudyat sa kanyang mga kasama na nakaposte na sa paligid.

Si Magadia ay sinampahan ng kasong robbery extortion ng mga tauhan ng SOU sa Pasay City Prosecutors Office.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply