Parak na nakapatay sa ka-live-in sa Maynila kinasuhan ng murder

SUMAILALIM na kagabi sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors Office ang pulis na nanakal at nakapatay sa kanyang live-in partner sa loob ng isang motel sa Sampaloc, Maynila.

Si PO2 Ronald Fontejon ay kinasuhan ng murder dahil na rin sa nakitaan ng “superior strength” sa pagkakapatay nito sa biktimang si Kylle Anne Barroca, ng Poblacion 3, Tanza, Cavite.

Bukod sa kasong murder ay posible rin umanong sampahan ng kasong administratibo si Fontejon.

Ayon kay P/Insp. Joey de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, dalawa ang tinitignang anggulo o motibo sa insidente. Una ay ang umano’y laging pagte-text ng biktima sa asawa ng suspek na ikinagalit naman ng huli. Ang pangalawa, ay ang sinasabing gusto na umanong hiwalayan ng biktima ang suspek.

Matatandaan na pumasok ang biktima at suspek sa nasabing motel kasama ang dalawang batang anak ng una bago ito natagpuang nakahandusay  sa loob ng banyo ng Room 4 ng Beehive Travellers Inn sa kanto ng Vicente Cruz at R. Magsaysay Blvd sa Sampaloc, Maynila.

Samantala, positibo namang kinilala ng kaanak ang biktima nang puntahan ito sa punerarya sa Blumentritt.

Inilipat naman ang biktima sa punerarya sa Sta. Cruz, Maynila para sa necrulogical service nito.

Nakatakdang ilibing ang biktima sa Manila North Cemetery bukas, Linggo (Nobyembre 11).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply