Parak nanutok ng baril sa pupil

POSIBLENG masibak sa trabaho ang isang bagitong pulis, matapos nitong tutukan ng baril sa ulo ang isang 15-anyos na lalaki nang walang sapat na dahilan kamakailan sa Caloocan City.

Sa reklamo ng biktima sa Police Community Precinct 7, kinuwelyuhan umano siya ni PO1 Ronaldo Falcutan, nakatalaga sa Malabon City Police Station, saka tinutukan ng baril.

Aniya, kasama niya ang kanyang dalawang kaibigan sa loob ng barbershop sa may Tamban St., Barangay 20, dakong alas-9:00 ng gabi nang tangkain siyang barilin ni Falcutan dahilan para matakot at magtakbuhan ang dalawa nitong kaibigan.

Nagsusuklay umano siya sa harap ng salamin ng barbershop na pag-aari ng kapatid ng pulis nang tumayo si PO1 Falcutan na noo’y naka-uniporme, nakaupo sa barber chair saka hinawakan siya sa leeg at tinutukan ng baril ng pulis na amoy alak.

Ipinabatid ng bata ang pangyayari sa kanyang mga magulang na dumulog sa barangay na siyang nagparating sa pulisya.

Nang dumating ang patrol car, inutusan umano ng mga ito si Tanod Pinpin Duque na hulihin ang inirereklamong pulis at pinagsabihan ang mga magulang ng bata na mag-file ng complaint sa Caloocan City Police Headquarters at saka umalis na.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply