Parak patay, isa pa sugatan sa NPA sa Aurora

ISANG kagawad ng Philippine National Police ang napatay habang isa pang sibilyan ang malubhang nasugatan nang salubungin ng bala ang magkasanib na puwersa ng Philippine Army at PNP nang respondehan nila ang ginagawang panununog ng mga construction equipment ng mga hinihinalang New Peolples Army sa Aurora kaninang umaga .

Sa text message na ibinahagi sa Remate.ph ng  Philippine Army, sinunog ng mga rebelde na pawang aramado ng mataas na kalibreng baril ang isang  backhoe at  dump track na pag-aari ng  Palacios Constructions na nasa likod ng isang government project at nagkakahalaga ng P9 million.

Ayon kay B/Gen. Gregorio Pio Catapang Jr, Commander ng 7th infantry division, rumesponde ang mga tauhan ng PNP at Army troops sa ilalim ng 48th Infantry Battalion sa nagaganap na karahasan sa Sitio Dimani, Brgy Villa, Ma Aurora, Aurora.

Nabatid na kinikikilan ng  New Peoples Army ang nasabing kumpanya na gumagawa ng kalsada na nagkokonekta sa  Metro Manila papuntang  Aurora Province na bahagi ng isang National Road project ng pamahalaan.

Agad na inutos ni Catapang  na magsagawa ng hot pursuit operations sa mga tumakas na rebelde.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply