Parak, sekyu nag-ala-Rambo sa bar, dinampot

tiklo

KINUWELYUHAN ng pulisya ang isang miyembro ng National Capital Region Office (NCRPO) at ang kasama nitong security guard matapos na mag-ala-Rambo sa loob ng isang bar sa Quezon City, Biyernes ng madaling araw.

Ilang minuto rin ang itinagal bago lumabas mula sa naturang bar para sumuko ang suspek na sina PO1 Wilson Samonte, nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion ng NCRPO at ang kaibigan nitong guwardiya na si Hector Rivera.

Naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw sa loob ng isang bar, malapit sa Sandiganbayan sa Commonwealth Avenue, Barangay Commonwealth.

Bago ito, sa hindi malamang dahilan ay biglang nagpaputok ng kani-kanilang baril ang mga suspek na nagresulta para mag-alisan ang halos karamihan ng mga kostumer ng bar kahit hindi pa nakakabayad ng kanilang inorder.

Tumanggi pa sina Samonte at Rivera na nagpaputok sila pero may nakita ang mga police investigator na mga butas mula sa tama ng bala sa nasabing bar.

Natagpuan din ang isang .45-caliber pistol at ang bala sa loob ng bar at sa bulsa ni Samonte.

Dinala si Samonte, sa general assignment section ng Criminal Investigation and Detection Unit sa Camp Karingal para sa kaukulang disposisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply