Parak tepok sa adik

crime-scene-chalk-mark

TIGOK ang isang pulis matapos barilin ng nagwawalang drug addict sa Barangay Ibayo Tipas, Taguig City, kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si PO Antonio Reyes, nakatalaga sa Sector 6, Taguig City Police Station.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong 7:00 ng umaga sa Barangay Ibayo Tipas, nang himingi ng tulong ang mga residente kaugnay sa pagwawala umano ng hindi pa kilalang suspek.

Agad na rumesponde si PO3 Reyea at mga kasamahan sa lugar upang awatin at arestuhin ang biyolenteng suspek.

Nang lapitan ng biktima ang suspek, agad siyang pinalo sa ulo dahilan para matumba at maagawan ng baril na ipinutok ng suspek sa kanyang ulo.

Gumanti naman ng putok ang mga kasamahan ng biktima kaya napatay din ang suspek na nagtamo ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply