Parak tiklo sa pangongotong

tiklo

TIKLO ang isang parak makaraang maaktuhang nangongotong sa isinagawang entrapment operation ng mga kasapi ng Regional Intelligence Detective Management Division (RIDMD) ng Police Regional Office (PRO-9) sa Zamboanga City.

Kinilala ang nahuling pulis na si P02 Reynaldo Tejano Bello na naka-assign sa Sta. Maria police station ng Zamboanga City police office (ZCPO).

Isinagawa ang entrapment operation makaraang magreklamo ang isang motorista na nakilalang si Arthur Delos Reyes laban sa nahuling pulis kung saan inuutusan siya nito na magbigay ng halagang P500 para madali niyang makuha ang naka-impound niyang motorsiklo sa istasyon.

Hinuli ng naturang parak ang nagrereklamo dahil umano sa ilang traffic violation.

Isinagawa ang entrapment operation malapit lamang sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) ng lungsod kung saan huli sa akto ang pulis na tinatanggap ang halagang P500 marked money na ibinigay ng motorista.

Dinala ang akusado sa kustodiya ng PRO-9 sa PNP Headquarters sa may Camp. Abendan, Barangay Mercedes ng lungsod.

Nahaharap ang akusado sa administrative and dismissal course dahil sa mga kasong extortion at abuse of authority.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply