Parak utas sa nag-amok na construction worker

ISANG bala sa ulo ang tumapos sa isang tauhan ng Taguig City police nang maagaw ng isang lalaking hinihinalang bangag sa droga ang kanyang baril at iputok sa nauna makaraang rumesponde dahil sa pag-aamok ng suspek kaninang umaga sa naturang lungsod.

Namatay habang ginagamot sa Rizal Medical Cenyer ang biktimang si PO3 Antonio Reyes, 45, nakatalaga sa Sector 6 ng Taguig City police at residente ng Barangay Labak, Anilao Lipa City Batangas sanhi ng tama ng bala sa kanyang noo mula sa sarili nitong baril.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ruchyl Gasid ng Criminal Investigation Section ng Taguig police, naganap ang insidente dakong alas-6:20 ng umaga sa harapan ng isang bodega sa Elisco Road, Barangay Ibayo-Tipas matapos itawag ng mga residente ang pagwawala at

paghahamon ng away ng suspek na si Gene Valdez, 27, construction worker at residente ng Blk 12 Lot 24 Sitio Gabihan, Barangay Tandang Kutio, Tanay, Rizal.

Tinangkang dakpin ni Reyes ang suspek subalit pinaghahataw nito ng hawak ng tubo ang pulis. Bumunot ng baril si Reyes at pinaputukan si Valdez subalit dumaplis lamang ang bala sa ulo ng suspect kaya’t nagawa nitong paghahatawin ang pulis.

Nang bumulagta si Reyes, kinuha na ng suspect ang kalibre 9.mm nito at pinaputukan ang pulis sa noo.

Nakapagresponde naman kaagad ang mga tauhan ni Taguig police chief Sr. Supt. Tomas Apolinario at kanilang pinagbabaril ang suspect na kaagad nasawi sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Isinugod pa ng kanyang mga kabaro si Reyes sa naturang ospital ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot dakong alas-8:10 ng umaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply