Parating magka-date pero wala raw relasyon sina Jake at Lovi!

megastar-sharon-c

LAGING magka-date noon sina Jake Cuenca at Lovi Poe. At kung totoo ang tsismis, nakikita pa raw silang pumapasok sa hotel, at inamin din ng aktor na in love siya sa dalaga.

“Yes, I am. Pero you have to ask her din kasi baka naman iba ang nararamdaman niya. I am but we don’t have a relationship. I have feelings for her, I love her pero it’s not a relationship yet,” sabi ni Jake.

Ang prayoridad daw nila ngayon ay ang kanilang career. “We’re both very busy and priority talaga naman namin trabaho,” dagdag pa ng binata.

Pero may nagsasabi sa amin na respetado pa rin daw ni Jake ang ex ni Lovi na si former Ilocos Sur Rep. Ronald Singson kaya alangan pa rin itong makipagrelasyon sa Kapuso star sa kabila ng mahal na rin niya ito.

Respetado nga ba o syokot lang? Hehehe! Just asking.

***

Kahit Luz Valdez sa kaso…
Ate Shawie ‘di na nagpaapekto sa mga bashers

SA IKA-NTH times ay muling sumumpa si Sharon Cuneta na hinding-hindi na raw siya papatol sa mga kulang sa paligong mga bashers niya sa Twitter at sa iba pang networking sites. Kaya sorry na lang sa mga nagsasayang mga kaaway ni Megastar sa kanyang pagkaka-luz Valdez (talo) sa kasong isinampa niya sa dalawang editor ng isang tabloid.

Pero itong aming entertainment editor sa Remate na si Pete Ampoloquio, Jr. ay nauna nang pinakansela ni Ate Shawie ang isinampa niyang kasong Libel laban dito noon pang 2010 bago niya inapela sa Court of Appeal ang pagkakatalo niya sa lower court (pumabor sa kanya ang CA). Kaya itong desisyon ng Supreme Court (na iniakyat ng mga akusado para sa final decision) ay minus na ang name ni Uncle Pete.

Ayon nga sa kanya, kahit nanalo sila, ang kanyang pasasalamat ay hindi mawawala kay Mega dahil ang iniisip niya ay hindi ang pagkaka-win nila sa kaso kundi ang pagkakapanalo niya sa puso ng respetado niyang artista.

***

Paula Bianca tagumpay sa first solo concert

KAHIT napakatindi ng trapik sa kahabaan ng Edsa at sa mga daan papuntang PAGCOR Grand Theatre & Casino, Paranaque City nung Friday, November 9, ay hindi ito naging hadlang para dumugin ng mga manonood ang first solo concert ni Paula Bianca.

Tinalbugan pa ni Paula ang X-Factor Philippines sa rami ng nanood. Kaya naman hindi magkamayaw sa tuwa ang mga taga-Haplos Foundation, specially ang mga batang may sakit na hemophilia, na pangunahing beneficiary sa konsiyertong ito ng Empress of Rock, at maging si Papa Dhan ay hindi makapaniwala sa naging tagumpay ng concert ng kanyang dalaga.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply