Parents ni Glaiza de Castro, nasosobrahan sa ginagawa ng anak!

glaiza-de-castro-front

NABABAHALA na ang parents ni Glaiza de Castro sa ginagawang torrid kissing scenes ng kanilang anak sa partner nitong si Dennis Trillo sa soap na “Temptation of Wife” kung saan kasama rin sa cast sina Marina Rivera at Rafael Rossell. Sana nga’y minsanan lang sa bawat episode pero nasosobrahan na ang Daddy Boy ni Glaiza dahil nagiging sunud-sunod na sa kanilang eksena ang laplapan.

Napapansin rin ito ni Mommy Cristy, ang butihing ina ni Glaiza, dahil sa hindi basta-basta ngang halikan ang ginagawa nina Dennis at Glaiza kundi panay torrid kissing scenes. Alam ni Mommy na kasama ang ganitong eksena kapag may maroromansang tagpo sa dalawang taong nagmamahalan pero naapektohan pa rin sila.

Sa istorya ng Temptation of Wife, grabe talaga ang character ni Glaiza. Siya ang babaing ibig makuha ang isang lalaking may-asawa na kaya ibayong pang-aakit ang kanyang ginawa sa mga eksena.

Sabi nga ni Mommy Cristy: “Sa totoong buhay, di pa ngagawa ng anak ko ang pinagagawa sa mga eksena ng Temptation of Wife. Minsan lang siya nagka-boyfriend. Dinadalaw lang si Glaiza sa bahay ni Patrick Garcia noon. Hanggang pagdalaw lang sa bahay si Patrick noon at kung lumabas naman ang dalawa, aba, kasama si Mommy o kapatid ni Glaiza.

000

KOMO’T hindi pa nagsisimula ang bagong youth oriented soap ng TV5, ipapadala sa abroad ang winners ng Artista Academy na sina Vin Abrenica at Sophie Albert para i-promote ang TV5 international. Dadalhin ang dalawa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pasasayahin nila ang Pinoy na tumatangkilik ng mga programa ng TV5 sa abroad, gayundin ang mga Pinoy na roon na piniling manirahan kasama ang kani-kanilang pamilya.

Sa Dec. 9, may concert palang gagawin ang magkapatid na sina Vin at Aljur Abrenica sa Zirkoh Morato, ang Father and Sons. Siyempre kasama ng magkapatid ang amang musician rin at magaling kumanta.

Sa bagong youth oriented show ng TV5, makakasama rin nina Vin at Sophie ang iba pang finalists ng Artista Academy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply