Part-time supulturero, holdaper sa gabi, tiklo

ARESTADO ang isang part-time supulterero na holdaper naman sa gabi matapos biktimahin ang isang magkasintahan sa Manila South Cemetery kagabi (Nobyembre 1).

Nakatakdang sampahan ng kasong robbery holdap ang suspek na si Iggy Boy Pama na umano’y naaresto ng mga miyembro ng City Security Force (CSF) .

Ayon kay PO3 Richard Bris na may hawak sa kaso, dakong alas-10:00 kagabi nang holdapin ng suspek ang magkasintahang sina Dennis Garingan at Arianne San Jose.

Sinabi ng magkasintahan na dumalaw umano sila sa puntod ng lolo at lola ni San Jose pero tinutukan ng suspek, kasama ang tatlong iba pang kasabwat.

Kinuha umano ng mga suspek ang cellphone at pera ng mga biktima na aabot ng P12,000.

Mabilis naman nakapagsumbong ang dalawa sa CSF dahilan para maaresto si Pama sa loob rin ng sementeryo.

Nabigo namang marekober kay Palma ang mga ninakaw na gamit at ginamit na patalim na hawak umano ng mga nakatakas na kasabwat nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply