Partner in crime ni De Ocampo at tadtad ng scam si PNoy

burdado

NALILITO na ako, parekoy, sa kaiisip kung bakit dito sa termino ni Pangulong Noynoy Aquino naglutangan itong kaliwa’t kanang scam!

Sandamakmak na kababayan natin ang halos lumuha ng dugo, ang iba ay nagpakamatay na dahil sa sakit sa biglang paglaho ng kanilang pinag-ipunang pera.

Hindi lamang sa investment companies kuno nagaganap ang mga ito.

Maging sa telecommunication companies ay nabunyag din ang panlolokong ginagawa sa milyon-milyong texters mula pa noong 2011.

Pahiwatig ba ito ng langit para tumigil na si PNoy sa kalilitanya sa mga iskandalo ng nakaraang administrasyon?

Ibig sabihin, hayaan na sa korte ang usapin, “mag-move-on” na siya at harapin ang sari-saring iskandalo na namulaklak sa kanyang sariling administrasyon! Peryud!

-o0o-

PILIT ipinagtatanggol ng ilan niyang tauhan itong hepe ng MPD Homicide Section na si S/Inps. Joselito de Ocampo kaugnay sa napaulat na weekly payola mula sa accredited na mga punerarya sa Maynila.

Kesyo kalahati lang nito ang napupunta kay De Ocampo dahil ibinibigay niya ang kalahati sa isang retiradong opisyal na dating hepe ng Homicide dahil ito umano ang tunay na malakas kay Lim at inirekomenda lang si De Ocampo.

Aha, at pinaghahatian pa pala ng mga impakto ang mula sa pawis ng mga pobre ha!

Inuurirat natin ito, parekoy, dahil ang nasabing halagang ibinibigay sa mga animal ay  ipinapatong din sa bayarin ng mga may-ari ng patay.

At wala akong pakialam kung collector lang ba si De Ocampo ng nasabing retiradong opisyal na malakas kay Manila Mayor Lim o kung ilan silang naghahati sa weekly payola mula sa mga patay.

Ang mahalaga ay itigl ito, sibakin si De Ocampo at hayaan muna siyang lulutang-lutang! Hak, hak, hak!

Ibig sabihin, mayor ,huwag muna siyang bigyan ng ibang tungkulin dahil tiyak mag-iiba lang siya ng istayl.

Dahil ang gago ay talagang gago . . . saan man ilagay!
-o0o-

Reaction/Sumbong
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply