Partylist Law ipinarerebisa ni Brillantes

NAIS ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr., na rebisahin ang batas sa partylist.

Ani Brillantes, walang malinaw na depinisyon sa batas kaya kung anu-anong mga sektor na maituturing na marginalized at underrepresented ang nag-a-apply ng accreditation sa kanila.

Ani Brillantes, kadalasan ay mga commissioner na lamang ang panuntunan na base sa Republic Act 7941 o ang Partylist Law.

Ganundin umano ang Korte Suprema partikular sa kaso ng Ang Bagong Bayan vs. Comelec noong 2003.

Sa ilalim ng RA 7941, kuwalipikado para tumakbo sa partylist elections ang sektor ng mga manggagawa, magbubukid, mangingisda, mga maralitang taga-lungsod, mga katutubo, matatanda, may-kapansanan, kababaihan, kabataan, overseas workers at mga propesyunal.

Gayunman, batay naman sa desisyon ng Korte Suprema, kailangang miyembro ng mga marginalized sector ang sinumang nagnanais maging kinatawan ng isang partylist group.

Samantala, kinuwestyon ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang kapangyarihan ng Comelec na magdiskuwalipika ng mga partylist group na nakakuha na ng accreditation sa mga nakalipas na halalan.

Ani Pimentel, bakit kailangang idiskuwalipika ang mga nanalo na at nakakuha pa ng sapat na boto para maglagay ng kinatawan sa Kamara.

Ayon naman kay Brillantes, pwedeng rebisahin ng Comelec ang accreditation ng isang partylist.

Ito umano ang dahilan kaya tuwing eleksyon ay nag-a-apply ang isang partylist group ng accredidation sa Comelec.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply