Partylist na na-disqualify, dumulog sa SC

DUMULOG sa Korte Suprema ang 1st Consumers Alliance for Rural Energy Partylist o 1-CARE para kwestyunin ang pag-disqualify sa kanila ng Comelec para makalahok sa 2013 midterm elections.

Sa 56-pahinang petisyon, hiniling ng grupo na magpalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order para pigilin ang pagpapatupad ng kautusan ng Comelec.

Iginiit ng 1-Care na nakagawa ang Comelec ng grave abuse of discretion sa kanilang desisyon nuong Oct. 16, 2012 nang tukuyin nito ang 1-Care na hindi isang marginalized at underrepresented sector.

Napagkaitan din umano sila ng due process dahil nabigyan lamang sila ng notice ng Comelec sa pamamagitan ng text message at wala ring sapat na panahon na ibinigay para maihanda ang mga hinihinging dokumento.

Nauna nang tinukoy ng grupo na ang disqualification sa kanila ng Comelec ay isang insulto sa election system ng bansa at pambabastos sa hudikatura.

Binalewala raw kasi ng Comelec ang naunang kautusan ng Korte Suprema nuong November 23, 2010 na pumabor sa qualification ng grupo bilang party list sa ilalim ng RA 7941 o Party List System Act.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply