Paslit ikinadena, natusta sa sunog sa Las Piñas

(UPDATED) NATUSTA nang buhay ang isang 6-anyos na paslit sa nasusunog na bahay nila sa Las Pinas City, kaninang hatinggabi.

Batay sa imbestigasyon, ikinadena ng amain na si Bernardo Ocome, ang bata na kinilalang si Angelo Satur sa loob ng kanilang kuwarto sa Fatima Compound, Barangay Zapote, Las Piñas City, dahil sa kalikutan.

Mahimbing na umanong natutulog ang mag-anak nang biglang sumiklab ang sunog dakong alas-12:00 ng hating gabi.

Tinupok ng apoy ang kabahayan at umabot sa unang alarma bago naapula ng mga bumbero.

Ayon sa mga kapitbahay, naririnig pa umano nila na humihingi ng tulong ang bata habang nasusunog ang bahay.

Tinangka namang tumakas ng ina ng bata na si Analou Satur at amain nitong si Ocome, pero hinabol sila ng mga tanod.

Ang pagsisinungaling nina Analou at Bernado ay pinasinungalingan ng nakababatang kapatid ni Angelo, na nagsabing pinalo ng kanilang amain ang kanyang kuya at saka ikinadena ang paa sa may kuwarto matapos makipag-away kahapon.

Habang nakapiit ang ina at amain ng biktima ay kukupkupin muna ng mga kaanak ng biktima ang dalawang nakababatang kapatid nito.

Nahaharap sa kasong parricide si Analou habang murder naman si Bernardo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply