Paslit pinasakan ng kahoy ang ari

NAHAHARAP ngayon sa kasong rape with frustrated homicide ang isang lalaki na sinasabing may diperensya sa pag-iisip makaraang pasukan nito ng kahoy ang ari ng tatlong taong gulang na paslit sa Brgy. Dorong-an, Tigbauan, Iloilo.

Ayon kay PO2 Christine Banas ng Women and Children’s Protection Desk ng Tigbauan Municipal Police Station, gabraso ang ipinasak na kahoy ng suspek na nakilalang si Christopher Hipo alyas Darna.

Natagpuan naman ang biktimang si ‘Nene’, di tunay na pangalan, na walang malay, walang saplot at duguan at masuwerteng nadala kaagad sa sa Western Visayas Medical Center sa Mandurriao, Iloilo City at naoperahan. Sa ngayon, naka-confine na ang bata at nagpapagaling.

Kasalukuyang nakadetine sa Tigbauan Police Station ang suspek na agad na nahuli.

Aalamin ng mga pulis kung ginahasa pa ng suspek ang paslit maliban sa ginawang pagpasok ng kahoy sa ari nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply