Passport ng China inalmahan ng Pinas

INALMAHAN ng Pilipinas ang pagsama ng bansang China sa West Philippine Sea sa mapa ng kanilang bansa na makikita sa Chinese passport.

Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na dapat bigyan ng respeto ng China ang teritoryo ng Pilipinas sa pag-angkin nito sa West Philippine Sea.

Sinabi pa ni Del Rosario na hindi tinatanggap ng Pilipinas ang validity ng “nine-dash line”.

Ang nine-dash line na tinatawag ay siyam na brolen line na inilagay ng China sa mapa nito na nakapaloob ang teritoryo na inaangkin ng ibang bansa kabilang na ang Pilipinas.

Bukod sa Pilipinas, iprinotesta rin ng Vietnam ang paglalagay ng mapa sa Chinese passport dahil isinama rin umano doon ang teritoryo ng kanilang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply