Patay dahil sa sama ng panahon 5 na

LPA-nov-12

UMAKYAT na sa lima (5) ang bilang ng mga namatay dahil sa masamang panahon idinulot ng low pressure area (LPA).

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, pinakahuling napabilang sa listahan ng mga namatay ang dalawang lalaki na namatay matapos gumuho ang minahang pinagtatrabahuhan ng mga ito.

Kinilala ang mga biktima na si Ronnie Cawagon at Mark Glenn Casher.

Nauna rito, dalawang biktima na kinilalang sina Ruelyn Aling at Zosito Andamon ang kapwa namatay matapos malunod.

Samantala, nawawala pa rin hanggang sa ngayon ang biktima na kinilalang si Arjay Javier na tinangay ng malakas na current matapos tumalon sa isang ilog sa North Cotabato.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply