Patay na beybi napulot sa tambakan ng basura

NATAGPUAN ng isang scavenger ang isang patay na sanggol sa tambakan ng basura sa Barangay Calajunan, Mandurriao, Iloilo City.

Ayon sa ulat, sinabi ng barangay tanod na si Salvador Ubaredes, na ibinigay sa kanya ng mga basurero ang sanggol na nakabalot pa sa plastic bag.

Ayon sa mga basurero, ang plastic bag ay nakita sa tumpok ng basura mula sa bayan ng Oton.

Pinaniniwalaang bagong panganak ang beybi dahil nakakabit pa ang pusod at inunan nito at nakitaan pa ng yupi sa ulo.

Nangangamoy na ang bangkay ng beybi kaya pinabasbasan na lamang ito sa simbahan at inilibing sa sementeryo ng Mandurriao.

Napag-alaman na maraming ulit na may fetus at patay na sanggol ang natagpuan sa nasabing dumpsite.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply