Patong-patong na kaso sa nagwalang Briton

MPD-HeadQ

PATONG-PATONG na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang 60-anyos na British national na nagwala sa loob ng Manila Hotel at Manila Police District, sa Maybila, Miyerkules ng umaga.

Kasong alarm and scandal, assault upon person of authority, physical injury ang kinakaharap ngayon ng dayuhang si John David Pittman at tubong England.

Si Pittman ay inilipat na sa Integrated Jail ng Manila Police District (MPD).

Kabilang sa mga nagreklamo laban kay Pittman ay ang pamunuan ng Manila Hotel at mga pulis ng MPD dahil sa ginawa niyang pagtadyak sa Mobile car na nagresulta sa pagkawasak ng aircon ng sasakyan, panununtok sa mga umaresto sa kanya, at pagwawala sa loob ng MPD Headquarters.

Binitbit si Pittman ng ilang in house officer matapos nitong magsisigaw at duruin ang ilang hotel guest dakong alas-6:00 ng umaga.

Pinagbalingan naman nitong saktan ang umawat na in-house officer na si Michael Balaba, at ialng pulis na nagdala sa kanya sa MPD headquarters.

Sa himpilan ng pulisya, halos wasakin naman ni Pittman ang rehas ng detention cell at nang pagbigyan na makapunta sa banyo ay binuhusan naman nito ng tubig ang mga umeskort sa kanyang pulis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply