Patutsada ni Wallace kay PNoy, pinalagan

peter-wallace

PINALAGAN ng Malakanyang ang patutsada ni Peter Wallace, consultant at pinuno ng The Wallace Business Forum na hanggang porma lang at kulang sa political will si Pangulong Benigno Aquino III para ayudahan ang pag-reporma sa bansa.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, mas makakabuti kay Wallace na pakinggan ang sinasabi ng mga ahensiya  at institusyon sa mga nagawa at ginagawa ni Pangulong Aquino.

“Everything that has happened in the past, in the more than two years that the President has been in office, belies that claim. For one, ang dami po kasing ibang nagsasabi e. Siguro, mas mabuti pong pakinggan na lang ni Ginoong Wallace ‘yung sinasabi rin nung mga ibang ahensiya, nung mga ibang institusyon doon sa mga ginagawa po natin,” anito.

Bukod dito, hindi aniya mapagtatagumpayan ng Chief Executive ang lahat ng kanyang na-accomplish kung isa lamang siyang 9 to 5 na Pangulo ng bansa.

Sa ulat, ipinamukha ni Wallace kay Pangulong Aquino na ang “leadership”  ay isang full-time job, at hindi 9 a.m. to 5 p.m na trabaho.

“It is time for him to do two jobs. He is the President, not PNoy,” diing pahayag nito.

Pinasaringan pa ng Malakanyang si Mr. Wallace na wala kasi itong working relationship kay Pangulong Aquino at wala itong personal knowledge kung paano magtrabaho ang isang Pangulong Aquino.

Kailangan aniyang magkaroon si Wallace ng close contact at close and regular contact kay Pangulong Aquino upang malaman nito ang totoo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply