PCG nakaalerto sa SoKor rocket launch

BRP-Pampanga

NAKAALERTO ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa tangkang rocket launch ng South Korea bukas.

Ayon kay PCG spokesman Lt. Cdr. Armand Balilo, lahat ng kanilang district stations sa eastern seaborads ay kanilang inalerto at nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa mga local government units at barangay officials ng mga coastal area sa Luzon at Eastern Visayas

Ang aksyon ay upang mapaghandaan ang anumang aksidente sa pagpapalipad ng rocket at posibleng pagbagsak ng mga debris nito sa East Philippine Sea.

Maging ang BRP Pampanga ay naka-deploy na rin sa area para i-monitor ang mga lugar na posibleng bagsakan ng debris.

Ayon kay Balilo, posible aniyang bumagsak sa karagatang sakop ng Isabela ang unang rocket booster. Habang sa karagatan ng Samar ang ikalawa at sa karagatang bahagi ng Surigao ang pangatlong stage ng rocket.

Kaugnany nito, pinagbawalan na rin ang mga mangingisda na maglayag sa nasabing mga lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply