PDEA assault rifle natangay ng basag-kotse gang, 6 ahente iimbestigahan

PINAHAHALUKAY na ni Philippine Drug Enforcement Agency director general Arturo Cacdac, Jr. ang puno’t dulo sa pagkawala ng isang assault rifle ng ahensya na natangay ng mga miyembro ng basag-kotse gang habang nakaparada ang PDEA service vehicle sa Maginhawa St., Barangay Piñahan, Quezon City nitong nakaraang Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni Cacdac na hindi naman sa wala siyang tiwala pero hihingan niya ng katanggap-tanggap na paliwanag ang anim na ahente ng ahensya na hindi muna pinangalanan alinsunod sa ikakasang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Pinag-aaralan na rin ni Cacdac kung pananagutin sa nasabing insidente ang kanyang mga tauhan na masasabing isang kaso ng negligence bukod pa sa aalamin din kung lehitimo ang kanilang ikinasang pakikipag-usap sa kanilang police asset.

Matatandaang, binasag ng mga miyembro ng basag-kotse gang habang nakaparada sa Maginhawa Street sa Barangay Piñahan ang Starex van na ginamit ng anim na ahente ng PDEA sa kanilang operasyon.

Nakuha ng mga kawatan ang assault rifle na halagang kalahating milyon pero nabili lamang ito ng gobyerno sa halagang P200,000 na nasa ilalim ng isa sa upuan ng van.

Depensa ng mga PDEA agents, na hindi nila dinala ang nasabing assault rifle at sa halip ay binitbit lamang nila ang maiiksing baril para hindi makakuha ng atensyon sa mga residente.

Pangamba ngayon ni Cacdac ay baka gamitin ang nanakaw na assault rifle ng mga miyembro ng basag kotse gang sa kanilang modus operandi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply