Pedicab driver, laglag sa bitag ng PDEA

NABUKO ang modus ng isang 33 anyos na pedicab driver na maliban sa pamamasahero ay nagtutulak din ito ng iligal na droga matapos maaktuhang binebentahan ng shabu ang isang buyer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong November 14, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling suspek na si Madatu Uban, alias Bigmind, residente sa San Jose, Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City.

Nakumpiska kay Uban ng mga elemento ng PDEA RO-ARMM ang tatlong gramo ng shabu at karagdagang 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalias sa isinagawang buy-bust operation sa lugar.

Napag-alaman na si Uban, ay kabilang sa drug personality na nasa PDEA Watch List at siyang responsable umano sa pagkakalat ng iligal na droga sa Mother Barangay Tamontaka at karatig na mga barangay.

Detenido ngayon si Uban sa PDEA RO-ARMM Custodial Facility at kinasuhan na ito ng paglabag sa  Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply