Pekeng faith healer, assistant, tiklo sa Boracay

tiklo

ARESTADO ang isang pekeng faith healer at ang assistant nitong Aeta sa isla ng Boracay dahil sa kasong swindling.

Isinampa na ang nasabing kaso laban sa suspect na sina Mateo Siquiña, 22, na nagpanggap na isang faith healer ng La Ena sa lalawigan ng Siquijor at ang assistant nito na si Sharon Bautista, 28, isang Ita na taga-Lucena, Iloilo City.

Sa ulat, noong naka5raang Nobyembre 19 ay nagpunta ang biktimang si Nelson Daguno, 65-anyos, residente ng Brgy. Nagustan, Ibajay, sa bahay ng mga suspect upang ipagamot ang kanyang sumasakit na likod.

Nauna siyang siningil ng mga suspect ng P17,000 bilang paunang bayad sa hinihingi sa kanya na kabuuang P137,000.

Pero dahil may pagdududa ay humingi na ng tulong ang biktima sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) at habang isinasailalim siya sa session ng paggamot at nagbayad na ng P90,000 sa Sitio Bulabog, Brgy. Balabagay at saka nagsidatingan ang mga tauhan ng  Regional Intelligence Division 6 (RID-6) at BTAC.

Sa kabuting palad ay nabawi pa ang nasabing halaga pero ang naunang P17,000 ay hindi na narekober pa.
Ayon kay PO3 Barry Legaspi, officer-in-charge, kasong swindling ang posibleng isampa sa naturang mga suspek na sa ngayon ay na-inquest na.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply