Perci Intalan at Wilma Galvante nag-iisnaban sa isa’t-isa

NAGBALAK pala, my BFFT Pete A, na mag-resign itong sinisipsipan at kinakapitang executive nina Manang Cristy  Fermin, Shalala at Mr. Fu, na si Perci Intalan. Feeling raw kasi ni Intalan ay wala na siyang puwang sa TV5 at wala ng silbi ang posisyon niya bilang Creative and Entertainment Head ng TV5 dahil ibibigay na raw ng mga Top executive ng Kapatid network ang nasabing posisyon kay Madam Wilma Galvante.

Sabi, pamumunuan raw ni Madam Wilma ang Entertainment department ng istasyon ni Mr. Manny Pangilinan at kukuha raw ito ng mga bagong tao. So, kung totoo, malaking insulto nga naman sa part ni Intalan.

As of presstime, hindi natuloy ang resignation ni Perci dahil hindi siya pinayagan pero malakas ang bulung-bulungan na soon ay magkakaroon ng bad blood sa pagitan nila ni Madam Wilma na lantarang sinusulot raw ang po- sisyon niya. Naku! kailangan nang manalangin nila Manang Cristy at Shalala.

Pero pakikinggan ba naman ni Lord ang dasal nila eh, punung-puno ng kaplastikan ang puso at kanilang pagkatao? Of course, the Oslang TV host Manang Cristy is very much aware na hindi siya feel ni Galvante. Kaya ngayon pa lang ay sobrang afraid na siya sa magiging kapalaran niya sa TV 5 na without Perci Intalan’s support and pagbibigay ay matagal na siyang na-tigbak riyan, no?
Naku! hwag kang mag-aalala.

Kapag natsugi ang show mong “Ang Luma!”, pwedeng-pwede mong sama -han si Arlene Tolivas sa pagiging floor director sa Wil Time Bigtime ng anak-anakan mo kunong si kuyang Wil- lie Revillame. Bagay na bagay ka talaga roon, Manang Balagtasan. Flangangakngak gyud!

***

Newcomer hunk actor Kristian Marquez hindi lang paghuhubad ang alam, may acting rin

KUNG ang ibang sexy actor riyan ay puro pagpapakita lang ng katawan ang kayang ipakita kaya hindi nagtatagal sa kanilang career, ibahin n’yo ang newcomer hunk actor na si kristian Marquez na nagpakita man ng kanyang hubad na katawan sa naipalabas ng Indie film na Kapa!, meron pa siyang pwedeng patunayan at ‘yan ay ang kanyang husay sa pag-arte na naipalamas rin niya sa Kapa kung saan hinangaan ng critics ang kanyang performance rito.

Nakalabas na rin si Kristian sa ilang teleserye at movies sa maliliit lang na roles. At hindi yan nagiging sa- gabal para madismaya at hindi na ipagpatuloy pa ng nasabing gwapong baguhan ang kanyang dream na makilala sa showbiz.

Sa ngayon ay ipinagmamalaki ni Kristian na unti-unti na siyang napapansin sa mga teleserye ng Kapamilya network kung saan one week makikita ang kanyang appearance bilang isa sa gumaganap na marino sa upcoming teleserye nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban na Apoy Sa Dagat na soon ay ipalalabas na sa ABS-CBN.

Nakasama ni Kristian sa mga eksenang kinunan sa kanila sa Apoy sina Patrick Garcia, Nikki Gil at Empress Shuck. Pinakamahirap na scene for him ay ‘yung ibinilad silang lahat sa gitna ng init ng araw. Sobrang pawisan sila after ng take pero ayos lang dahil part ito ng kanyang role. At hindi lang actor si Kristian kundi ruma-rampa rin siya bilang modelo at tumatanggap rin ng product endorsements.

Hindi lang para sa kanyang sarili kaya siya kumakayod nang husto kundi sa pamilya rin ng Papable na showbiz aspirant.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply