Philippine Navy bibili ng 2 anti-submarines helis

anti-submarine-helicopter

INIHAYAG ng Department of National Defense ang ambisyosong plano ng kagawaran na pagbili ng dalawang anti-submarine helis na ilalagay nila sa binibiling frigates war ships.

Ayon kay  DND Undersecretary  Fernando Manalo, naglabas na si Defense Secretary Voltaire Gazmin ng acquisition decision memorandum.

Nabatid na nagkakahalaga ng P5 bilyon ang dalawang anti-submarine helicopter at bahagi ito ng modernization program na mabibiyayaan ang Philippine Navy.

“Kasama yan sa programa ng modernization natin na iimplement for the first five years…”

Subalit aminado ang kagawaran na sagwil sa kanilang modernization program ang nababalam na …approval ng modernization law.

“Eh, kasi kung walang modernization law wala tayong budget,” ani Manalo

Sakaling mapagtibay ang nasabing batas ay kasamang maaprubahan ang 75 billion pesos para sa unang limang taon ng programa .

Nabatid na kahit wala pang approve budget ay nagsa-shopping na ang DND para sa kanilang mga wishlist.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply