Pili production palalawakin sa Camarines Norte

pili

PALALAWAKIN ng lokal na pamahalaan ang industriya ng pili sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kaugnay ito sa dalawang araw na pagsasanay sa little theater ng kapitolyo probinsiya sa pamamagitan ng “Training on Pili Production, Post Harvest and Processing.”

Binigyan ng pagsasanay dito ang mga magtatanim ng pili at mga nagpoproseso ng mga produkto nito upang kanilang maipamahagi sa kanilang lugar ang mga natutunan sa naturang pagsasanay at mahikayat na magtanim ang mga magsasaka.

Tinalakay ni Harold R. Gestiada, inhinyero at pili coordinator, ang mga katangian at uri ng pili, sustansiyang taglay nito, ganundin ang pakinabang at mga produktong mula rito.

Tinalakay din ang mga pamamaraan sa pagtatanim at pangangalaga sa mga binhi, lugar na paglalagyan, at paghahanda sa lupang pagtataniman at ang tamang pag-aabono.

Ipinahayag naman ni Pedro Oliver, pathologist ng Regional Field Unit 5 ng Department of Agriculture (DA) ang mga peste at kulisap ng pili at ang pagkontrol dito.

Ayon kay Oliver, tinalakay sa pagsasanay ang mga karaniwang sakit ng mga pili at binigyan ng mga pamamaraan ang mga magsasaka kung paano mapipigilan ang peste at sakit na kumakapit sa tanim.

Ang Department of Agriculture (DA) ay maraming proyekto para sa pili at kailangan ang mga magsasaka dito sa rehiyong Bicol ay magtanim nito upang magkaroon ng maraming produksiyon at tumaas ang kita ng mga magsasaka ganundin lumaki ang industriya ng pili sa Camarines Norte.

Hinihikayat din ang mga magsasaka na hindi lang pinya ang pagtuunan ng pansin kundi ang pagtatanim din ng pili dahil ito ay nakatutulong upang ibayong umunlad ang kanilang kabuhayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply