Pilipinas, hindi basurahan ng US

HINDI dapat payagang ituring na basurahan ng Estados Unidos ang bansang Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Gabriela Women’s Party congresswoman Emmi de Jesus sa gubyernong Aquino bilang reaksiyon sa naiulat na pagtatapon ng nakakalasong kemikal sa subic Bay ng isang barkong kontraktor ng US Navy.

Sa garapalang paglabag sa soberanya ng bansa, hinamon ni De Jesus si Presidente Benigno Aquino na tapusin na ang Visiting Forces Agreement.

Hindi umano usapin kung nakakalason ang itinapong basura o hindi kundi ang kawalang-galang ng mga dayuhan sa integridad ng teritoryo ng Pilipinas, ayon pa sa mambabatas.

Kung maamo at sunod-sunuran umano ang gubyerno sa ganitong pagkilala ng ibang bansa, hindi raw uunlad ang pagtingin ng ibang bayan sa Pilipinas, dagdag ni De Jesus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply