Piloto ng Korean Air nasalisihan sa hotel

TINATAYANG aabot sa P150,000 halaga ng kagamitan at cash ang natangay sa isang piloto ng Korean airlines matapos itong masalisihan sa loob ng Manila Hotel kaninang umaga.

Sa reklamo ng biktimang si Kang Sung Won, piloto ng Korean Airlines sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS), dalawang babae at isang lalaki ang nakunan sa footage ng CCTV ng Manila Hotel na pagala-gala sa loob na posibleng responsable sa pagkawala ng kanyang bag.

Nauna rito, nagcheck-in ang biktima dakong alas 11:42 kaninang umaga nang lapitan siya ng mga suspek.

Nabatid na “nilansi” umano ng mga suspek ang biktima at bago nito namalayan na wala na ang kanyang bag ay makaalis na ang mga suspek.

Patuloy naman nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya, laban sa mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply