Pinapatayan ng ilaw habang kumakanta!

regine-velasquez-alcacid

PINAGHAHANDAAN talaga ang silver anniversary concert ni Regine Velasquez na mapanonood sa Biyernes, Nov. 16 sa MOA Arena. Mga recorded songs niya ang mapakikinggan dahil selebrasyon ‘yun ng 25th year niya sa showbiz. Ang surprise na lang ay kung saan niya ilalagay ‘yung particular na kanta at kung anong klaseng arrangement. Naglagay rin siya ng mga awitin na hindi niya masyadong kinakanta sa mga nagdaang konsiyerto niya.

Sa nakaraang tsikahan sa Cravings, IL Terrazo ay nai-reveal ni Regine na nu’ng nag-uumpisa pa lang siya ay na-experience niya na habang kumakanta sa TV ay binababaan siya ng credits. Ang unang TV guesting niya bilang propesyunal na singer ay ‘Daigdig ng Mga Artista sa Telebisyon’

“Nakita ako ni Kuya Germs. ‘Yung show 11 o’clock. Nandun ako 10 am dahil manggagaling pa ako Bulacan. Tapos isinalang nila ako matatapos na ang show. Kumakanta ako pinapatayan ako ng ilaw tapos ‘yung credits bumababa tapos hiyang-hiya si Kuya Germs, hindi niya makalimutan ‘yun. Sabi niya sa akin, iha, bumalik ka. Basta ganito, iuuna kita. After that, inuuna ako ni Kuya Germs at lagi na akong nandun lalo na pag may pino-promote. ‘Yun rin ang bawi niya sa akin,” tumatawang balik-tanaw na kuwento ng Asia’s Songbird.

Sey ni Kuya Germs, ayaw niya talaga na ginaganun ang guest niya. Umiinit talaga ng ulo niya at hiyang-hiya siya kahit baguhan pa lang si Regine ng mga panahong ‘yun.

Anyway, sa January ay may trip silang mag-asawa ni Ogie na silang dalawa lang. Hindi raw niya kayang two months sila run.

“Baka pag-uwi ko si Nate college na. Hahaha! Siguro mga 3 to 4 days lang kasi hindi ko kaya ng masyadong matagal. Pagpunta ko nga ng Cebu, first time ko na iniwan ang anak ko, parang overnight lang naman ‘yun, parang ang feeling ko may naiwan ako. Alam mo ‘yung feeling na may naiwanan ka?,” sey pa niya.

Sa Christmas ay kasama nila ang mga anak nina Ogie at Michelle Van Eimerenn sa Australia pero sa Pilipinas sila magnu-New Year.

Natanong tuloy ang Asia’s Songbird kung paano sila nagkasundo ni Michelle?

“Nag-work ‘yung ganoong samahan dahil gusto namin. Ayaw naming hindi maging malapit ang mga anak namin. Gusto talaga namin na masaya kaming lahat,” deklara ni Regine.

Anyway, may pakiusap si Regine na isulat ang kanyang mga sponsors sa kanyang concert gaya ng Belo Medical Group, Bench, Smart, Sunlife Philippines, McDonald’s, Victoria Court, Pacific Blue Shades, Cravings, at co-producer nila ang GMA 7.

‘Yun  na!

-0o0-

IPAGDIRIWANG ni Kuya Germs ang 50th anniversary niya sa showbiz next year kaya naman pararangalan siya ng 26th PMPC Star Awards for TV ng Natatanging Alagad ng Telebisyon sa November 18 sa Ateneo Theater.

Kasabay nito, meron rin siyang pinagbibidahang indie movie kung saan ay kasama sina Eddie Garcia at Boots Anson Roa. Ito’y ang Talo, Tabla, Panalo under sa direksyon ni Buboy Tan. May premiere night ito sa Thursday, November 15, 6PM sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, QC. Prodyus ito ng Amytomy Foundation, Inc ng mag-asawang Amy Amy at Tony Abarquez.

Nakaplano na ang kanyang golden anniversary sa showbiz at talaga namang isang malaking palabas ang gagawin sa Resorts World on April 24.Kasabay ng isang coffee table book na inihahanda ng GMA 7 tungkol sa kanya.

Yeah ba!

-0o0-

KAHIT sikat na sikat na at may solo career na, never daw na iniisip ni Kean Cipriano na iwan ang kanyang bandang Callalily. Para sa singer who’s also a part-time actor, dahil sa bandang ito kaya siya nakilala sa showbiz kaya hindi niya raw kayang talikuran.

Nakabibilib nga si Kean dahil sa poster ng show nila on Nov. 17 sa Zirkoh Bar, Tomas Morato, ay gusto naming ilagay ang name niya as Kean Cipriano of Callalily pero tumanggi ang singer.

Ayon kay Kean, nakahihiya naman raw sa kanyang mga kabanda kung name lang niya ang ilalagay gayung isang buong grupo sila rito.

Kung iba-iba ‘yun, baka sila pa ang mag-request ng ganu’ng billing, di ba? Because of this, we realized na hindi totoo ang mga bali-balitang nagsi-circulate na kesyo mayabang siya at lumalaki na ang ulo.

Abangan sa Nov 17 ang November Best: Taken 2+1, kung saan kasama ng Callalily ang PMPC Star Awards for Music Female Recording Artist of the Year 2012 na si Aiza Seguerra at ang magaling nating stand-up comedian na si Kim Idol with guests, Lemuel Santos, Arthur Pangilinan, Rosimae, LS Band, Vince Suhayon at ang singing reporter na si Alex Datu.

Tsuk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply